Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso binawi ang No. 76 ranking

0 92

Binalikan ni Philippine rookie pro Yuka Saso ang No. 76 sa Rolex women’s golf rankings pagkaraan ng joint eighth place finish sa 51st Descente Tokai Classic Aichi 2020 nitong Linggo sa Aichi Prefecture, Japan.

Dating silya na ang posisyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan mula sa No. 221 sa umpisa ng taon sanhi ng kambal na tagumpay sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies nitong Agosto sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020.

Nadulas siya world No. 78 kamakailan nang lumanding sa ika-29 na puwesto sa Golf5 Ladies at ika-13 sa JLPGA Championship. Pero nakakuha siya ng 2.43 ranking points pa-total 51.91 sa 16 world-rated golfest upang makabalik.

Si Nippon Ai Suzuki ang highest-ranking JLPGA campaigner sa No. 15 pero bokya pa ang 16-time JLPGA winner pagkalipas ng anim na torneo ng region’s premier ladies circuit. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.