Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso bomalabs sa ikatlong titulo

0 90

HINDI na nakabawi sa masagwang simula si Yuka Saso, kumartada ng one-over 73, para dumilim ang tsansa sa asam na ikatlong korona sa ikaanim na yugto ng ika-53 edisyon ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA)-51st Descente Ladies Tokai Classic Sabado sa Shinminami Country Club-Mihami Course sa Aichi, Japan.

Iwan lang ng tatlong stroke sa opener kay first round leader Pei-Ying Tsai ng Taiwan, binuno ng 19-year-old top Philippine golfer ang fairways at iron niya sa bogey sa hole No. 1 par-4 at 6 par-3 patungo sa nines na 38-35 at malaglag buhat sa 10th pa-eight-way tie sa 26th place sa 141, walong palo sa bagong nagtatrangkang sina Nippons Hiroko Azuma (65-133) at Ayaka Furue (67-133).

Dalawang palo ang bentahe nina Azuma at Furue kay Korean Ji Hee Lee (65-135).

Humihikab sa batok nila si Tsai (71-136) sa ¥80M, 54-hole, three-day golfest na may top purse na ¥14.4M at matatapos ngayong Linggo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.