Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso co-leader pa rin

0 89

Nakipagsabayan si Yuka Saso mula umpisa hanggang dulo at pagkaraan ng 36 holes sila na lang ni local bet Yuna Nishimura ang magkaakbay sa tuktok ng 39th Daio Paper Elleair Ladies sa Elleair Golf Club Matsuyama sa Ehime Prefecture, Japan Biyernes ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumirada ng identical 70s ang top Philippine pro (34-36) at Nippon (34-36), at kasama ang tig-65 sa opener, may 135 total ang dalawa para sa one-stroke lead kina Minami Katsu (69) at kasama nina Saso at Nishimura sa first round lead na si Ayake Furue (71) na may 136s.

Mas maigting pa ang penultimate stage sa mga pumasok sa cutoff sa pagpasok sa weekend play ng ¥100M 72-hole championship para sa kikita ng ¥18M top purse. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.