Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Furue pasiklaban uli

0 335

Taya ang pamato’t panggulo para kina Yuka Saso at Ayaka Furue sa misyong magkaungusan sa isa’t isa, hindi man magkampeon, dahil sa mahigpit ding karibalan para sa season awards, Player of the Year (Mercedez Rankings) at Money List titles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagsiklab ito ngayong Huwebes ng huling torneo ng 54rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, ¥120M 48th Japan LPGA Tour Championship Ricoh Cup 2020 sa Miyazaki Country Club sa Miyazaki City, Miyazaki Prefecture.

Magka-flight pa mandin ang dalawa sa alas-10:54 nang umaga (11:54am, Manila time) sa limitado lang na 37-layer starting field at magkakaloob din ng ¥30M (P13.8M) sa reyna ng 72-hole, four-day golfest, na major tournament ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.