Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso gagaya sa Koreana

0 151

Nawala man ang liderato kay Yuka Saso, maliwanag pa sa sikat ng araw na may malaki pa siyang tsansa na magreyna sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California Linggo (Lunes sa Maynila).

Si hometown bet Lexi Thompson ang bagong nasa itaas sa tinipang five-under 66 para sa three-day total seven-under 206, one stroke edge lang sa 19-year-old Fil-Japanese mula sa Bulacan (71-207) patungo sa last 18 holes.

May pagkakataon si Saso na maging ikalawang shotmaker sa kasaysayan nang pinakaprestihiyosong women’s pro golf event makalipas ni Inbee Park ng South Korea noong 2008 bilang mga tanging tinedyer pa lang na namayagpag sa torneo kung palarin.

May 72-210 si American amateur Megha Ganne para sa sa pagtabla sa tersera sa isa pang SoKor na si Jeongeun Lee. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.