Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso gumitgit sa Korean, Japanese

0 64

KUMAKASA!

Bumira si Yuka Saso ng six-under par 68 upang palabang hingahahan sa batok ang dalawang Koreana at 10 Haponesa sa pagkaiwan lang ng dalawang stroke tapos ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round nitong Huwebes ng hapon sa a JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.

Tatlong birdie sa front nine para sa 33, at may dalawa pa sa back nine, pero ang bogey sa last hole ang nagbigay sa kanya ng 35 para malagak sa palabang walong magkakatabla sa panlimang puwesto ng 72-hole, four-day golfest.

Nasa tablahan sa 1-2 sa identical 66s sina Korean Min-Young Lee at Japanese Serena Aoki, habang tie sa 3rd-4th sa parehas na 67 sina Ayako Kimura at Serena Aoki, kasunod ang grupo ni reigning Philippine No. 1 Saso.

Nagbi-bid ang 19-anyos na Haponesang-Pinay na tubong San Ildefonso, Bulacan sa pangatlo niyang korona sa panlimang torneo ngayong taon ng 53rd JLPGA 2020, pero unang major title sa pangalawang

unang major ng mayamang sport circuit na ito sa rehiyon, na pinaliit ng COVID-19.

Ang torneong ito ang aktuwal na pangalawa sa majors sa circuit pagkaraang kanselahin ang unang yugto na World Ladies Championship Salon Pass Cup noong Mayo. Ang dalawa ay ang Japan Women’s Open Golf Championship sa Oktubre 1-4 at Tour Championship Ricoh Cup sa Nobyembre 26-29. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.