Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Hataoka may rematch

0 64

Isa sa mga sisilipin ang muling pagtutuos nina 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso at Japanese Nasa Hataoka sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 26th leg $1.750K (P89M) 27th Shoprite LPGA Classic sa par-71 Seaview’s Bay course sa Galloway, New Jersey simula sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Related Posts

Ang Haponesa ang sinorpresa ng 20-year-old Fil-Japanese top Philippine pro, at tubong San Ildefonso, Bulacan, nang makopo ang unang major title sa world premier ladies circuit , ang 76th US Women’s Open noong June sa San Francisco.

Magka-flight sina Saso, Hataoka at Sweden’s Madelene Sagstrom sa alas-12:44 nang tanghali sa No. 10 sa apat na araw na hambalusan na sasabakan din ng dalawa pang pambato ng PH at kakuwadra ni Saso sa ICTSI na sina Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.