Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso hirap sa schedule

0 103

Tinanggap na ni Yuka ang isa pang bahagi ng premyo sa pagrereyna sa 76th US Women’s Open noong June 6 – ang five-year Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour membership.

Pero wala pa siyang kongkretong plano kung magpu-full-time o part-time sa US-based world’s premier women’s pro golf circuit.

“I have already registered (LPGA Tour) and got a five-year exempt status,” anang 20-year-old Pinay-Nippon sa Japanese online news portal Martes. “But due to coronavirus, I am at the stage of carefully assessing my schedule.”

A-absent ang top Philippine shotmaker sa 72nd LPGAT 2021 16th leg $1.5M (P73M) 9th Volunteers of America Classic sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas sa July 1-4 (1-5 sa Maynila) na sasabakan nina ICTSI teammates at kapwa 2020 Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina, at ni US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce.

Pero babalik-aksiyon sa Marathon Classic sa July 8-11 sa Ohio si Saso para samahan ang tatlong kababayan bago mag-Japan para ayusin ang mahirap niyang schedule lalo’t pokus sa idaraos doong Summer Games sa August 4-7. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.