Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso ika-18, kinubra P417K

0 203

Sinalpak ni Yuka Saso ang pinakamagarang tirada sa apat na araw, three-under par 49 (35-34) sa likod ng limang birdie at dalawang bogey pa-three-under 285, pero tumabla lang sa anim para sa ika-18 puwesto sa tiklop Linggo ng ¥120M (P52M) 14th World Ladies Championship Salonpas Cup 2021 sa East Course ng Ibaraki Golf Club sa Tsukubamirai City, Ibaraki Prefecture, Japan.

Iwan ang Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan, 19, ng 11 strokes sa nagreynang si local bet Yuna Nishimura na may 67-274 at iniuwi ang ¥24M (P10.5M) sa 24th leg ng 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour (LPGAT) 2020-21.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tatlong palo ang iniagwat ni Nishimura sa tatlong mga kadugo na may identical 277s na mga nagsosyo sa ikalawa-ikaapat na mga posisyon na may ¥9.4M bawat isa.

SDunod kay Saso at mga kasama ang ika-25 yugto ng mayamang ladies pro circuit sa ¥120M Hoken No Madoguchi Ladies sa Fukuoka Country Club sa Wajiro City, Fukuoka Prefecture sa May 14-16. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.