Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso ika-2, halos P7M premyo

0 103

Pasabog ng tournament, at day’s best na career-tying 9-under 63 si Yuka Saso para sa 16-under 200 at kumakasang second place finish na may ¥14,637,920 (P6.8M) paycheck laban sa nagkampeong former world No. 1 Shin Jie ng South Korea sa wakas Linggo ng 48th Toto Japan Classic 2020 sa Taiheiyo Club Minori Course sa Omitama City, Ibaraki Prefecture, Japan.

Ang gilas ng 19-year rookie pro Fil-Japanese at San Ildefonso, Bulacan native ang nagbalik din sa kanya sa Marcedes ranking (Player of the Year derby) sa 928.285 points laban sa karibal na si Sakura Koiwai patungo sa last three events ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May ¥82,753 (P38.6) na ang top PH golfer, abante ng ¥24M kay Koiwai, na nasa Top 10 nang mag-18th place sa 208 worth Y1,846,400 sa total earnings niyang ¥58,862,542 at 891.46 pts. sa Mercedes ranking.

Salo tersera sa torneo sina reigning world No. 6 Nasa Hataoka, Maiko Wakabayashi at Korean Mi-jeong Jeon habang pumang-anim si deposed champion Ai Suzuki. (Ramil Cruz)

09 LPGA of Japan Tour Yuka TONITE Sports pages 1, 8 w/logo & fotos

Leave A Reply

Your email address will not be published.