Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso ika-50, may ₱489K

0 155

Dinuplika ni Yuka Saso ang second round niyang one-under 71 upang tiklupin ang kampanya sa 72-hole even 288 na swak sa seven-way tie para sa 50th place na may $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Linggo (Lunes na oras sa Maynila).

Pinarehasan ng 19-year-old Pinay-Japanese ang triple-tie 50th spot niya sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020-21 17th leg ¥100M 12th T-Point Eneos noong March 19-21 sa Kagoshima na rito’y nabiyayaan siya ng ¥400K (₱175K).

Nagreyna via wire-to-wire sa major championship para sa una niyang US LPGA win sa abanteng dalawang palo si Patty Tavanakit, 21, mula sa UCLA at Thailand, na may 68-270 at hamigin ang $465K (₱22.5M) sa pagbalewala sa tournament-tying single-round record 62, kabilang ang tourney-mark 29 sa front nine ni American Lydia Ko (272).

Nasa siyam na magkakasalo sa ika-87 posisyon ang isa pang Philippine bet na si Bianca Isabel Pagdanganan na kinapos ng tatlong palo kaya na-cut pagkaraan ng second round kaya walang cash prize. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.