Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso iwan ng 6 sa Golf 5

0 57

Bumuwelta mula sa masagwang simula para masuportahan ng eagle ang one-over par 71 si Yuka Saso ng Pilipinas, pero naiwan ng anim na palo sa pakikibuhol para sa 15-way tie sa 39th spot sa opening round ng Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament nitong Biyernes sa Mizunami course sa Gifu Prefecture, Honshu, Japan.

Solong lider ang tumabla sa ika-60 puwesto sa Nitori Ladies Golf Tournament nitong Agosto 27-30 sa Nagano na si Rumi Yoshiba sa bogey-free 65 sa malamig na klima, may isang palong kalamangan sa kapwa Japanese na si Mizuki Tanaka.

Mag-isa rin sa pangatlo ang Haponesang si Miyu Yamashita na may 67 sa 54-hole, three-day event na pang-apat pa lang sa yugto ng 53rd Japan Professional Ladies Golf Association (JLPGA) 2020. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.