Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso kakayod pa sa LPGA

0 54

Tuloy pa rin ang pagsabak ni 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso hanggang sa matapos sa third week ng November ang season ng US-based 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021.

Hindi kumpirmadong aaksiyon ang 20-year-old, 5-foot-5 San Ildefonso, Bulacan-born Fil-Japanese sa paarating na apat na event ng world’s premier ladies circuit sa Sept. 16-Oct.10 sa Oregon, Arkansas at dalawa sa New Jersey.

“I’m playing in the LPGA,” anang top PH pro na ICTSI-backed shotmaker sa Daily Tribune nitong Linggo na nagka-full five-year Tour membership sanhi sa pamamayagpag sa US Open noong June. “There’s no tournament yet, so I’m taking a break.”

Walang tinukoy si Saso sa next event niya, pero ilan sa mga plano ang Toto Japan Classic na parte ng LPGA at LPGA Japan at CME Group Tour Championship na parehong sa November. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.