Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso kakayod sa 3 torneo

0 96

Matindi ang preparasyon ni US Women’s Open champion Yuka Saso bago sumabak sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong ng pandemya sa parating na July 23-August 8 sa Tokyo, Japan.

Pa-quadrennial sports festival kung saan nakatakda ang women’s golf sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama City, Saitama Prefecture sa August 4-7, hahampas muna ang 20-year Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan sa tatlong torneo ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021.

SM food to go Banner Ad

Ang mga ito ay sa 17-18 legs sa US na regular events $2M (P99M) 36th Marathon Classic sa Hulyo 8-11 sa Sylvania, Ohio, at $2M 2nd Dow Great Lakes Invitational sa Midland, Michigan sa Hul. 14-17; at ang major $4.5M (P223M) 27th The Amundi Evian Championship sa Evian-les-Bains, France sa Jul. 22-25.

Nag-aalangan pa noong isang linggo ang dalagang top Pinay pro shotmaker na tinataguyod ng ICTSI sa schedule niya dahil sa global pandemic bago ang pasyang ito. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.