Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso lalaban sa 2 award

0 89

May isang buo pang taon si Yuka Saso para kumasa sa psoibilidad sa sweep sa Player of the Year at money ranking honors ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) LPGA of Japan Tour 2020 nang ipasya ng Japan LPGA (JLPGA) na pagsamahin ang 2020 at 2021 seasons.

Ang hakbang ay bunsod sa naging 14 lang ang naidaos sa taong ito sa may 37 tournaments ng liga sanhi ng Covid-19 na rito’y dominado ng top Philippine pro golfer ang money rankings sanhi ng back-to-back victories sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies nitong August, at nasa No. 2 ng POTY derby kay local ace Ayaka Furue pagtiklop ng taong ito.

“The JLPGA has decided that it is appropriate to hold the holding method in which 2020 and 2021 are combined into one season,” pahayag ng JLPGA nitong Huwebes.

“In order to create a prize ranking and a Mercedes (Player of the Year) ranking that reflect the overall ability of the players, we decided that 2020 should be combined into one season in 2021.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.