Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso mag-isa sa US Open

0 178

Solong pambato lang ng ‘Pinas si Yuka Saso para sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S Women’s Open Golf Championship 2021 sa The Olympic Club sa San Francisco, California sa June 3-6 (Hunyo 4-7 sa Maynila).

Lumiban ang 19-anyos, 5-5 ang taas na Fil-Japanese at tubong San Ildefonso, Bulacan, sa 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour 2020-21 27th-28th leg, ¥100M Resort Trust Ladies sa Aichi Prefecture noong May 27-30 at ¥70M Yonex Ladies Golf Tournament sa June 4-6 sa Niigata sa June 4-6 para sa world major golfest.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

At dahil sa umiiral na health protocol sa pandemya malamang na may dalawang yugto pa siyang hindi malaruan sa JLPGA Tour kabilang ang Ai Miyazato Suntory Ladies Open Golf Tournament sa Hoyogo sa June 10-13.

Tumapos si Saso sa seven-way tie para sa 13th place sa 2020 US Open noong December 10-13 sa Houston, Texas at nabiyayaan ng $96,800 (₱4.6M), habang sumablay sa finals si Bianca Isabel Pagdanganan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.