Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso markado sa Nitori Ladies

0 162

Babantayan si Yuka Saso sa pagpalo ng 12th LPGA of Japan Tour 2020 ¥2000M (P91M) Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido sa Japan sa parating na Agosto 27-30.

Ang pagkapatok ng 19-year-old Fil-Japanese ay bunsod sa pagdomina sa mayamang Tour women’s circuit statistics papasok sa ikatlong yugto ng kompetisyong ito.

SM food to go Banner Ad

Buukod ng pamamayagpag sa second leg NEC Karuizawa 72 Golf Tournament sa Nagano nitong Agosto 14-16, ang reigning Asian Games champion ang solo lider sa average stroke (68.42) at ave. birdies (5.0). Kasalo rin ang two-time Philippine Ladies titlist sa pangunguna sa ranking finish (1-2), eagle (1.0), at par-break-rate (28.57%).

Ang tagumpay sa NEC ay hindi lang din nagkaloob sa kanya ng ¥14.4M (P6.5M) kundi nang pag-arangkada sa world ranking mula 221st patungong 113th na sa kasalukuyan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.