Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso nakatuon sa Japan Open

0 81

Tumumpak ang pasya ni Yuka Saso na magpahinga ng dalawang linggo bago ipagpatuloy ang kampanya para sa Pilipinas sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020 dahil nakansela nitong Huwebes ang nakatakdang sixth leg na dapat simulang ngayong Biyernes na 48th Miyagi Television Cup Dunlop Women’s Open Golf Tournament sa Miyagi Prefecture.

Ipinasya sa nakalipas na Linggo ng 19-taong gulang na Fil-Japanase na tubong San Ildefonso, Bulacan na hindi muna lahukan ang Miyagi para maglamyerda kasama ang mga kapatid sa Tokyo at mag-shopping mula sa kinita na niyang ¥63,964,000 (P29M) sa limang torneo sa mayamang ladies sport circuit sa rehiyon.

Kinansela ng JLPGA ang Miyagi dahil sa mga panibagong kaso ng Covid-19, pero tuloy naman ang ikalawang major event ng taon na Japan Women’s Open sa darating na Oktubre 1-4 sa Fukuoka.

Bagyo ang dating ni Saso sa Japan sa pagkakapanalo sa mga korona ng NEC Karuizawa at Nitri Ladies nitong Agosto kahit sumablay sa ikatlo sa Golf5 Ladies at tumapos na ika-13 sa circuit’s first major na JLPGA Championship, bago nag-ikawalong puwesto ntiong Linggo sa Descente Tokai Classic.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.