Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso nasa tuktok ng Tour of Japan

0 68

Nasa 11 magkakabuhol lang sa ika-29 na puwesto si Yuka Saso nitong Linggo sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu, pero sapat na rin para makipkip niya ang pagtatrangka sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking.

Biniyayaan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro ng ¥408,000 (₱187K) para sa tuktok ng Mercedes ranking sa total earnings na ¥59,448,000 (₱27M) pagkatapos ng apat na torneo ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA).

Pero humihinga sa batok ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist at two-time Philippine Ladies Open queen si Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe na may ¥51,620,000 nang kumita ng ¥4.740M sa Golf 5.

Nasa tersera si Golf 5 champ Sakura Koiwai na kumubra ng ¥10.8M para sa kabuuang ipong ¥31,640,000 patungo sa 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 na sisiklab bukas sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama. (Ramil C ruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.