Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso No. 76 sa world rankings

0 77

Swak si Yuka Saso ng Pilipinas sa top 100 ng women’s world golf rankings makalipas ang dalawang magkasunod na tagumpay sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020 sa nakaraang buwan.

Huling pinag-reynahan ng 19-year-old, San Ildefonso, Bulacan native Fil-Japanese rookie pro ang Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido nitong Agosto 27-30 para umakyat ng 41 places pa-No. 76 sa 47.52 points sa rankings na ni-released nitong Lunes.

Sina (US) LPGA players Jin Young Ko ng Korea (382.43), at Danielle Kang (295.01) at Nelly Korda (255.13) ng kapwa USA ang nasa top three spots ng Rolex Women’s World Golf Rankings na basehan sa mga papalo sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.