Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso P47M ang premyo

0 165

Sulit ang may apat na araw na paghahanap-buhay ni Yuka Saso sa pinamayagpagang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California Linggo (Lunes sa Maynila).

Bukod sa Mickey Wright gold medal at Harton S. Semple trophy, tumataginting na $1M (P47.6) ang kinita ng 19-year-old Fil-Japanese at San Ildefonso, Bulacan native at top Philippine shotmaker sa 156-player, four-day world’s oldest major golf event.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabigyan pa siya ng five-year exemption na kumampanya para sa mayamang world major Tour sa pagpantay rin sa record ni 2008 winner Inbee Park ng Korea bilang ikalawang tinedyer na nagkampeon dito.

“My dream was to be World No. 1 and win a U.S. Women’s Open,” lahad ni Saso na naging unang Pinoy at Pinay na nanalo ng major event. “But I wasn’t thinking that I would really hold this trophy this week.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.