Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso P564K ang biyaya

0 104

Kapos ang rally ni Yuka Saso sa two-under -70 para sa 286 at pumuwesto sa walong magkakatabla sa ika-14 na may ¥1,226,250 (P564K) each sa pagtiklop ng 53rd Japan Women’s Open Golf Championship 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture Linggo na pinagreynahan ni Erika Hara ng via four strokes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang ikalawang sunod na pagsablay ng 19-year-old rookie pro top Philippine golfer sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan 2020 para mabitawan din ang Player of the Year top ranking tapos ng pitong torneo sa karibal na si Sakura Koiwai na kumuha ng 240 points sa pagsegunda, pa-784 total laban sa 739.45 ni Saso.

May 68-272 si Hara para magkamit ng ¥22,500,000 (P10.3M) hambing sa 68-276 ni Koiwai na may (P5.6M). Umakyat din si Hara sa tersera sa POY race sa 540 markers. Dalawa pang Haponesa ang pumangatlo sa torneo sa identical 280s. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.