Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Pagdanganan kayod sa 4th round

0 203

‘Di lang kayod-marino sina Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, kailangan din ng milagro upang makahabol pa sa medal finish sa pagtiklop ng 32nd Summer Olympic Games 2020+1 women’s golf individual fourth and final round sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama Prefecture, Japan ngayong Sabado.

Umangat sa pangalawang sunod na araw sa katayuan ang 20-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan nang tumirada ng four-under par 67 – ang pinakamaganda niya sa tatlong araw – para sa 209 at umakyat sa quintuple-tie sa 20th place.

Pero iwan pa rin si Saso ng 11 strokes kay two-day leader American Nelly Korda na may 198 pagkaraan ng 69, may three-shot edge kay Indian Aditi Ashok na may 68-201. Nasa apat ang may mga identical na 203s.

Ang ia pang pambato ng ‘Pinas at tropa ni Saso sa ICTSI na si Pagdanganan nakapagsumite uli ng even par 71 para makibuhol sa limang nasa ika-29 na puwesto, ikalawang sunod na bumagsak ng kalagayan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.