Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Pagdanganan reunion sa US Open

0 123

May 28 players sa Rolex Rankings (women’s world golf rankings) sa pangunguna ni reigning Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour Player of the Year at Money Derby leader Yuka Saso ang nabigyan ng puwesto na kumumpleto sa 156 entries sa 75th US Women’s Open sa Houston, Texas sa December 10-13.

Kaya dalawa na ang magiging pambato ng Pilipinas sa major event ng world’s premier ladies circuit (US LPGA) na bukod sa 19-year-old Fil-Japanese San Ildefonso, Bulacan native ay ang naunang nakapasok na si Bianca Pagdanganan via ninth place tie sa last major, Women’s PGA, Pennsylvania nitong Oktubre.

SM food to go Banner Ad

Bale magiging reunion ng top PH pros ang torneo tapos mag-individual gold at silver patungo sa team gold nina Saso at ang 23-taong-gulang na tubong Quezon City at 2019 SEA Games double gold winner na si Pagdanganan.

Ipagpapatuloy ng dalawa ang mga kampanya sa kani-kanilang circuit sa paghampas ngayon ni Saso sa 39th Daio Paper Elleair Ladies Open sa sa Matsuyama City, Ehime Prefecture sa Japan, habang si Pagdanganan sa Pelican Women’s Championship sa November 19-22 (Nov. 20-23 sa ‘Pinas) sa Florida. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.