Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, Pagdanganan sama pa

0 135

Magkasama sa ikalawang ulit sa buwang ito at pangatlo mula nang December bilang pambato ng bansa sina Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan sa April 14-17 na 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club sa Hawaii.

Tumapos na triple-tie lang sa 50th place sa Tour fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration sa California nitong Apr. 1-4 ng 19-year-old Pinay-Japanese na sinubi ang $10,081 (₱489K) prize, habang na-cut si Pagdanganan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabay ring pumalo sa 75th US Open 2020 noong Dec. sa Texas ang dalawa. Humanay sa pito sa ika-13 puwesto na may $96,800 (₱4.6M) gantimpala si Saso. Sablay rin sa cut si Pagdanganan pero may pakonsuwelong $4K (₱192K). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.