Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso pang-48, sinubi P841K

0 37

Gaya sa nakaraang dalawang araw, isa pang one-over par 73 ang pinantapos ni Yuka Saso para sa one-over 285 at bumagsak sa solo 48th spot na may $16,613 (P841K) sa wakas ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 28th & last leg $5M (P250M) 11th CME Group Tour Championship sa Tiburon Golf Club sa Naples, Florida Linggo (Lunes sa Manila).

Malayo ang last three-round niya sa opening na 66 para maiwan ng 20-shot nang nagreynang si Jin Young Ko ng South Korea na may 63-265, na sinubi ang $1.5M (P75M), ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng world’s ladies premier circuit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang tirada lang nagpanalo sa Koreana laban kay Japanese Nasa Hataoka na mayroong 64-266. Tumersera sina home bet Mina Harigae na naka-67-270 at Celine Boutier ng France na mayroong 68-270 rin. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.