Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso panlima, P3M kinita

0 40

Nagkasya na lang ang ICTSI teammates at 2020 Tokyo Olympic-bound na sina Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan sa pagtabla sa panlina at pang-50 sa pinaigsing 54-hole 72nd Symetra Tour 2021 17th leg $2M (P99M) 36th Marathon Classic sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio na buong araw inulan kaya ‘di mapaglaruan ang course nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

May -11 sina Saso, Korean Amy Yang, home bet Austin Ernst at German Caroline Masson para magsubi ng $63,817 (P3.2m) each sa torneong pinamayagpagan ni Japenese Nasa Hataoka (-19) na may $300K sa six stroke victory kina Americans Elizabeth Szokol at Mina Harigae (-13).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 10-way tie sa 50th spot si Pagdanganan sa -3 na may $6,082 (P304K) bawat isa. Na-cut naman ang tropa nilang si Dottie Ardina.

Kabilang ang tatlong Pinay sa LPGAT 17th leg 2nd Dow Great Lakes Bay Invitational sa Midland, Michigan sa July 14-17. Bahagi to ng peraprasyon nina Saso at Pagdanganan bago sumabak sa 32nd Summer Olympic Games sa July 23-August 8. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.