Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso pasiklab sa Japan golf

0 72

Sumalto sa mga korona sa dalawang sunod na linggong yugto ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020, kabilang ang Minolta Cup nitong Linggo ng hapon, pero nanatiling namamayagpag sa stats ang top Philippine golfer na si Yuka Saso.

Ang malakas pumalong 19-year-old rookie pro ang nasa tutok tapos ng limang torneo sa Mercedes ranking sa 644.85 points at annual prize money sa ¥62,088,000 (P28.5M), kahit tumapos lang na limang magkakabuhol para sa ika-13 puwesto sa Minolta sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama para makakubra pa rin ng ¥2,640,000 (P1.3M).

Ang dalawang pinamayagpagan ng San Ildefonso, Bulacan native Fil-Japanese na Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido noong Agosto 27-30 at NEC Karuizawa 72 Golf Tournament noong Aug. 14-16 sa Nagano ang nagpatibay ng kapit niya.

Si Saso pa rin ang lider sa average strokes (69.3889), sa top 10 finishes (3), eagle number (3), birdie number (74), number of rounds of 60 car (9), par 3 average scores (2.7917), qualifying round average stroke (69.3000), first round average stroke (67.4000);

May limang kasalo siya sa number of games played (5), mag-isa sa number of rounds (18), average birdie (4.11), par break rate (23.77), par save rate (90.74), par on rate (76.85), ave. no. of putts (1.755), par (271), at dalawang iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.