Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso pasiklab sa ‘L’ golfest

0 278

Muling nagpasiklab sa tiniradang ikalawang sunod na araw na eight-under 64 si Fil-Japanese Yuka upang solohin ang liderato sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club halfway mark sa Hawaii Huwebes (Biyernes, Manila time).

May nines na 31-33 pa-128, abante ang reigning world No. 43 at top Philippine pro ng dalawang palo kay former world No. 1 Lydia Ko ng New Zealand na nag-63-130 sa 144-player event kung saan kasali si Saso bilang sponsor’s exemption.

Gayunman, hindi sing-angas at palad niya ang dalawa pang pambato ng Pinas na sina Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina na mga kinapos ang pagbuwelta sa second round para sumablay sa cut.

Kapos ng three strokes si Pagdanganan para sa finals sa 68-144 at five-way tie sa 101st slot, habang may 70-145 si Dottie Ardina upang humanay sa walong nasa 106th. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.