Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso pipigilan ng Haponesa

0 69

Sasawatain si Yuka Saso ng Pilipinas ni 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion Ai Suzuki ng Japan na hindi mapantayan ang record niyang three-straight title sa mayamang sport circuit sa Asia.

Related Posts

Magduduwelo ang dalawa at iba pang mga kalahok na iisa ang misyon, ang mapigilan ang 19-year-old Fil-Jap sa pagkopo ng titulo ng Golf 5 Ladies Professional Golf Tournament sa Golf5 Country Mizunami Course sa Gifu, Japan sa Setyembre 4-6.

Pero mukhang wala pa sa hustong porma ang 26-anyos na Haponesa dahil sa kakulangan ng mga torneo sa nakaraang buwan bunsod ng Covid-19. Kung makatatlong dikit na korona naman, unang tinedyer na makakagawa nito si Saso sa women’s Japan Tour. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.