Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso presyur sa 2 torneo

0 74

Presyur si Yuka Saso na magpakita ng galing sa huling dalawang torneo ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020 sa susunod na dalawang linggo para sa record sweep ng rookie sa Player of the Year at money list honors.

Abot-kamay ng 19-year-old Fil-Japanese San Ildefonso, Bulacan native ang money derby (¥82,753,170) sa kabila na na-cut sa nakaraang linggong 36th Itoen Ladies Golf Tournament sa Chonan Town, Chiba Prefecture.

Related Posts

Pero tagilid pa rin siya sa Mercedes ranking honor sa 928.85 points patungo sa dalawang event ng mayamang region’s circuit. Dumiikit na kay Saso sa POTY ang mga karibal na sina Sakura Koiwai (897.09) at Miki Sakai (831.78).

Kaya kailangan pa ng top PH golfer na kumayod sa 39th Daio Paper Elleair Ladies Open sa November 19-22 sa Matsuyama City, Ehime Prefecture, at sa JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa Nov. 26-29 sa Miyazaki City, Miyazaki Prefecture. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.