Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso puro sa golf rekord

0 100

Napipintong ma-sweep ni Yuka Saso sa murang karera pa lang ang 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour (JLPGA) 2020 Player of the Year o Marcedes ranking at money race patungo sa huling tatlong torneo ng region’s premier circuit.

Bumalik ang dating bangis at tikas ng 19-year-old San Ildefonso, Bulacan native Fil-Japanese rookie pro upang muling mapasakamay ang liderato sa POTY sa 928.85 points at lalo pang lumayo sa MR (¥82,753 o P38.6M) nang kumakasang sumegunda sa 48th Toto Classic nitong Linggo na pinanalunan ng Koreanang si Shin Jie.

Wala pang bagito sa mahabang kasaysayan ng JLPGA ang nagdomina o sumungkit ng dalawang pangunahing karangalan na napipintong mawalis ng nakabase sa ngayon sa Tokyo na top PH golfer.

“Nasa unang taon pa lang ako, kaya lahat pinag-aaralan ko pa. May tatlo pang torneo, sigurado mas marami pang challenges,” anang dalagang tinataguyod ng ICTS, lider din sa average stroke (69.9), top 10 finishes (6), number of birdies (137), average number of birdies (11), number of eagles (6), par-5 average score (4.69) at final round average score (68.6). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.