Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso reresbak sa Toto golf

0 127

Nangako si Yuka Saso na babawi sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020 11th leg, ang ¥160M 48th Toto Japan Classic 2020 sa November 6-8 sa Taiheiyo Club Minori Course sa Omitama City, Ibaraki Prefecture, Japan.

Ginawa ng hard-hitting 19-year-old rookie top Philippine pro kasunod nang pagkalagot ng siyam na sunod niyang pagpasok sa mga cut (finals) sa region’s premier circuit, sa 40th Hisako Higuchi Mitsubishi Electric Ladies Golf Tournament 2020 sa Musashigaoka Golf Course sa Hanno City, Saitama Prefecture, Japan nitong Sabado at pinamayagpagan Linggo ni Yuna Nishimura.

SM food to go Banner Ad

“My first goal is to pass the qualifying (cut) and I hope I can do my best from there,” sambit ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist.

Bago sumablay sa cut, nakadalawang sunod na tagumpay ang San Ildefonso, Bulacan native. May tatlo rin siyang Top 10 finish naglagay sa kanya sa money race leadership sa pinaigsing liga ng Covid-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.