Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sabak sa P85M Pelican

0 89

Balik sa Ladies Professional Golf Association Tour 2021 si Yuka Saso sa pakikipagtuos ng world No. 6 kay No. 1 Nelly Korda ng Estados Unidos sa pagsiklab ng 72nd world’s ladies premier circuit 28th & penultimate leg $1.75M (P85M) 2nd Pelican Women’s Championship Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Pelican Golf Club sa Belleair, Florida.

Hindi gaanong naging matagumpay ang Philippine bet na kinakalinga ng ICTSI sa 53rd LPGA Tour of Japan 2020-21 47th leg 49th Toto Japan Classic sa Otsu City, Shiga Prefecture nang mag-joint 22nd nitong Nov. 7, pero kumita pa rin ng ¥2,263,800 (P1.002M).

Related Posts

Unang LPGAJT event niya iyon sa limang buwan makaraan ang matagumpay na kampanya sa LPGAT na rito’y sinungkit niya ang unang major win sa 76th US Women’s Open kalakip ang P1M (P50M) top prize. Pangalawa siya sa 2020 Toto Classic. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.