Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sablay sa korona

0 279

Ibinadya ni Yuka Saso ang pambihirang balikwas, pero tumirik sa dulo para makuntento na lang sa respetado pa ring 68 at malagak sa seven-way tie sa 12th spot na may ¥1,027,500 (P470K) sa pagwawakas nitong Linggo nang binagyong 32nd Stanley Ladies Golf Tournament 2020 sa Tomei Country Club sa Susuno City, Shizuoka Prefecture sa Japan.

Galing sa pahinga tapos makansela ang second round dahil hindi mapaglaruang course, lumapit ang 19-year-old Fil-Japanese rookie sa isang palo na lang sa lider papasok ng ika-15 buta nang napaigistong torneo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero naglaho ang tindi nang pulso niya kung kalian kailangang-kailangan para maka-ibogey lang sa 16th at 18th holes at maglaho ang tsansa sa pangatlo sanang korona sa Ladies Professonal Golf Association (LPGA) Japan Tour.

Nagkampeopn si Nippon Mone Inami via playoff tapos makatabla sa 139 sina Bae Seon Woo ng Korea at kababayang Saki Asai upang iuwi ang ¥13.5M top purse. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.