Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso salo sa ika-5, Pagdanganan 37th

0 127

NAGSALBA ng apat na birdie sa front at dalawang bogey sa back si Yuka Saso pa-two-under 69 (32-37) para sa seven-way tie sa fifth spot sa impresibong ‘binyag’, habang may one-over 72 para sa isa sa 18 umupo sa ika-37 si Bianca Pagdanganan sa $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas Biyernes (Manila time).

Dalawang palo lang ang naghihiwalay kay So at mga kasamahan sa solo leader na si American Amy Olsen (67), may one stroke edge laban kina Korean A Lim Kim, Japanese Hinako Shibuno at 2018 titlist Thai Ariya Jutanugarn na may identical 68s.

Hindi nag-qualify sa 71st US Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro na si Saso kaya sa Japan LPGA kumakampanya. Ang dalawang panalo niya ang nagbigay sa kanya ng slot dito. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.