Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sampa sa ika-2 puwesto

0 63

Nagsumite si Yuka Saso ng solidong two-under 70 para manatiling naghahabol ng two strokes pero umakyat sa limang magkakasalo sa ikalawang puwesto sa kalahatian ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 nitong Biyernes sa a JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.

Kasama ang 68 pa-138, nasa likuran ang top Philippine golfer kasama ang apat na Haponesa sa bagong lider na si Bae Higyeong ng Korea (67-136) para mas mapalakas ang tsansa sa unang major title sa mayamang sports circuit sa kontinente.

Kabuhol ng Pinay rookie pro sina Rieru Shibusawa na may day’s best 66, Ayaka Takahash (68), Yuna Nishimura (68) at Ayako Kimura (71) na mga palaban din sa top purse ¥36M (P16.5) ng ¥200M, 72-hole, 4-day golfest.

Lagpak sina opening round co-leader Korean Lee Min-Young sa 5-way tie sa 12th spot (72-140) at Nippon Serena Aoki (76-142) sa 11 magkakatabla para sa ika-23 posisyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.