Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sampa sa Olympic ranking

0 101

Kagaya sa world rating, sumampa rin sa Olympic rankings si 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour (JLPGA) 2020 rookie pro Yuka Saso, habang hindi naman natinag si USA 71st LPGA Tour newcomer Bianca Pagdanganan.

May katagalan ding naupo sa 30th place, tumaas ng apat ang 19-anyos na Pinay na Haponesa na tubong San ildefonso, Bulacan nang sumegunda noong Linggo sa JLPGA 11th leg 48th Toto Japan Classic sa karera sa Top 60 na mga lalaro sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong ng Covid-19 sa July 2021.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Dahil pahinga na muna ng tatlong linggo ang US LPGA, kumapit naman sa No. 40 ang 23-year-old at Quezon City native na si Pagdangan.

Papalo si Saso sa pagsiklab ngayon ng ¥100M 36th Itoen Ladies Golf Tournament sa Great Island Club sa Chiba. Si Pagdanganan ay sa $1.5M Pelican Women’s Championship sa Nov. 19-22 sa Florida. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.