Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sampa sa world ranking

0 105

Sasandalan ni Yuka Saso ang panibagong pag-angat ng pitong baitang sa world ranking sa pinapangarap na pambihirang pagtatapos sa linggong itong 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020.

No. 48 na ang 19-year-old rookie pro mula sa San Ildefonso, Bulacan sa latest Rolex Women’s World Golf Rankings sa palagiang akyat niya sa kabila na sumablay sa korona, tumabla sa tersera nitong Linggo lang sa 39th Daio Paper Elleair Ladies 2020 sa Matsumaya, Ehine Prefecture.

Pakay niyang magreyna o makaungos sa pagtatapos sa karibal sa sisimulan bukas na JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa Miyazaki Country Club upang madale rin Palyer of the Year kung saan ikalawa siya sa ngayon sa pagkaiwan lang ng 82.93 points sa Nippon leader. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.