Abante Tonite Interactive

Saso sasakay sa momentum

By
730

Sasakyan ni Yuka Saso ang momentum upang masilo ang korona sa  Champion Infinity Philippine Ladies Open 2018 na magsisimula sa Miyerkules sa Orchard Golf and Country Club Palmer Course sa Dasmariñas, Cavite.

Sinilo ni Saso ang titulo sa pro tournament ng ICTSI Ayala Greenfield Ladies Classic ng Ladies Philippine Golf Tour matapos ang wire-to-wire triumph.

Nag-eensayo si 16-year-old shotmaker sa Canlubang Golf upang paghandaan ang nasabing premier ladies championship kung saan kalahok ang mga best players mula sa siyam na bansa.

Puntirya ng mga Thais na makahablot ng korona, kasali sina Onkanok Soisuwan, Pimkwan Chookaew, Kultida Pramphun, Phannarai Meesom-us at Pinkaew Trachuentong.

Papalo rin sina Michela Tjan ng Indonesia, Singapore golfers Shannon Tan, Callista Chen at Hailey Loh at Hei Nam Leung ng Hong Kong.

Sina Harmie Constantino, Sam Bruce, Tomi Arejola, Nicole Abelar, Kristine Torralba, Sophia Legaspi, Felicia Medalla, Annika Cedo at Junia Gabasa ang mangunguna sa Pinay shotmakers.

Markado si Bianca Pagdanganan, na nagtala ng record 16-under 200 total nakaraang edition sa Wack Wack West course.

Maglalaro rin sina Malaysian Juniors Open champion Mikha Fortuna at Country Club teammates Sam Dizon, Laia Barro at Rafaella Singson.