Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sokpa sa Ibaraki pinale

0 201

Bahagyang umangat ang laro ni Yuka Saso sa sinumiteng two-under par 70 (35-35) pa-141 at bumuhol sa six-way tie sa 20th place sa ¥120M (P52M) 14th World Ladies Championship Salonpas Cup 2021 halfway mark Biyernes sa East Course ng Ibaraki Golf Club sa Tsukubamirai City, Ibaraki Prefecture.

Anim na palo na ang hahabulin ng Fil-Japanese sa new solo leader na si Ayaka Takahashi na may 65-135 at angat ng one strokes sa apat niyang kapwa Haponesa na may mga two-day total na 136.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lima ang iwan ni Saso sa pagsalo sa 16 para sa ika-15 puwesto sa opening. Pero malaki pa ang tsansa niya pa-third round roung Sabado sa tinutudlang pangatlong korona sa torneo, na nagsisilbing 24th leg ng mayamang 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour 2020-21. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.