Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sulong sa pinale

0 42

APEKTADO ang lahat sa malakas na ulan at lamig ng klima, nakapagsumite lang ng three-over 75 si Yuka Saso pero pumalaot pa rin sa finals ng 38th Fujitsu Ladies 2020 sa Tokyu Seven Hundred Club sa Chiba City, Chiba Prefecture kahapon.

May two-under total 144 ang 19-year-old Fil-Japanese San Ildefonso, Bulacan native rookie pro para kumapit sa seventh spo.

Kabuhol niya ang anim iba pa upang manatiling may laban sa korona maski lumaki sa lima ang layo sa bagong nangungunang si Nippon Saki Asai (67-139).

May isang palong bentahe lang si Asai kay South Korean Shin Jie na may 70-140.

Kasunod si first day leader Korean Bae Saen Woo (73-141) patungo sa last 18-hole ngayon ng 3-three-day golfest na pangwalo sa may 14 kompetisyon ng 12th LPGA Tour of Japan 2020 na pinaigsi ng Covid-19.

May 32 ang mga na-cut. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.