Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sumiklab sa 65, abante ng 2

0 94

Tumirada ng bogey-free seven-under 65 si Yuka Saso upang makaposte ng dalawang palong abante sa tatlong Haponesa sa pagsisimula nitong Biyernes ng 34th NEC Karuisawa 72 Golf Tournament 2020 sa Karuizawa 72 Golf North Course sa Nagano, Japan.

Pinagdinan ng 2018 Indonesia Asian Games double gold medallist na hindi siya kinalawang kahit tengga ng pitong linggo sa ¥80M (P36.5M), 107-player field, four-day golfest na tatagal hanggang Linggo at magkakaloob sa reyna ng ¥14.4M (P6.5M).

Na-birdie lahat ng 19 na taong gulang na Fil-Japanese na dalagang tubong San Ildefonso, Bulacan lahat ng hole maliban sa par-5 tungo sa pagkarta ng 32-33 at makaungos kina Yoko Maeda, Seina Aoki at Haruka Kudo na may identical 67s.

“My tee shots were the key. I just left them on the fairways,” kuwento ni Saso sa Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA ) website. “The tournament is very gratifying and fun but I want to get results.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.