Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso sumirit sa Toto 2nd round

0 165

Palabang tumirada si Yuka Saso ng eagle-aided 5-under 67 upang umakyat sa 4-way tie sa 12th spot buhat sa 29th sa penultimate play ng 48th Toto Japan Classic 2020 sa Taiheiyo Club Minori Course sa Omitama City, Ibaraki Prefecture, Japan nitong Sabado.

Pero mula sa 5-stroke down sa opener, anim ang hahabulin ng top reigning Philippine pro patungo sa final round ng 54-hole, ¥160M, 3-day tournament, ang 11th leg at third major event ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020.

Bagong lider si Fujitsu leg winner Shin Jie ng South Korea na may 131 tapos ng 65, isang palong abante kay Ayako Kimura na naka-day’s best 64 pa-132. Kasunod si Lee Min-Young ng South Korea (66-133) Mao Saigo at first round co-leaders Saiki Fujita at Korean Bae Saen Woo sa 134s nang mag-70s at 67. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.