Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso tuloy ang laban sa 3rd title

0 108

Sasandalan ni Yuka Saso ang kaunting atensiyon at presyur sa bagong papel bilang isa pa ring contender sa pagbigay ng spotlight kina world No. 6 Nasa Hataok, No. 15 Hinako Shibuno at iba pang astig sa pagsiklab ngayong Biyernes ng 48th Toto Japan Classic 2020 sa Taiheiyo Club Minori Course sa Omitama City, Ibaraki Prefecture, Japan.

Pero tuloy pa rin ang misyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan sa pangatlong korona sa 54-hole, ¥160M, 3-day major event na nagsisilbing 11th leg ng 53rd LPGA of Japan Tour 2020.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinablot ng reigning top Philippine rookie pro ang limelight sa back-to-back wins sa NEC Karuizawa 72 sa Nagano nitong Agosto 14-16 at Nitri Ladie sa Hokkaido Aug. 27-30 para manguna sa napahulagpos na niyang Player of the Year derby kung saan siya No. 2 (808.82 points), pero kipkip pa ring money race (¥68.115M).

Mahirap nga lang ang misyon ni Saso dahil sa presensya nina Hataoka at Shibuno kasama pa sina Mercedes ranking leader (POTY) Sakura Kaiwai (870.86 pts.), defending champion Ai Suzuki, leg winners Ayaka Watanabe, Saki Nagamine, Erika Hara, Mone Inami, Shin Jie, Yuna Nishimura at Furue, at iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.