Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso tuloy sa LPGA Tour

0 12

Tinanggap na ni newly-crowned 76th US Women’s Open Golf 2021 champion Yuka Saso ang five-year exempted membership sa United States-based Ladies Professional Golf Association Tour.

“We talked already and we accepted the membership,” pagbubunyag ng 19year-old Fil-Japanese isang araw matapos ang makasaysayan niyang tagumpay sa pinakamatagal nang world major golfest nitong Lunes.

Nauna niyang binanggit na papaalam pa niya sa kanyang mga magulang na sina Japanese dad Masakazu at mom Fritzie ang bagay na parte ng premyo niya sa araw ng kanyang tagumpay. Tinutulak siya ng kakuwadra sa International Containter Terminal Services, Inc., dating national teammate, friend at LPGA Tour campaigner Bianca Isabel Pagdanganan na mag-LPGAT.

Ang pahayag ng tinedyer ay kasabay sa paggiit ng ICTSI ni ports at gaming tycoon Enrique ‘Ricky’ Razon Jr. sa patuloy na pagsuporta kay Saso. Humigit-kumulang na sa P60M na ang inayuda ng kompanya sa may pitong taong chief backer sa top PH shotmaker. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.