Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso umangat, Bianca lagpak

0 140

Tumaas ng limang baitang si Yuka Saso sa Rolex 15th World Women’s Pro Golf Rankings 2020 makaraan ang joint seventh place finish sa wakas nitong Lunes ng 75th US Women’s Open sa Houston, Texas.

Mula sa pagkapako sa 50th place, nasa No. 45 na ang 19-year-old Fil-Japanese rookie na may 86.45 total points nang makakuha sa US Open ng 9.07 markers.

SM food to go Banner Ad

Nagbabadya pa ring ma-sweep niya ang 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, base sa bagong pahayag ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGFA), na magdaragdag ng ilang torneo sa maaga ng 2021 bilang parte ng 2020 Tour na mga kinansela dahil sa Covid-19.

Sa pagkaputol naman sa cuts made sa US Open ng 71st LPGA Tour 2020, bumaba ng isang hakbang si Bianca Pagdanganan na kasalukuyang nasa 150th sa 28.28 pts. Hindi siya nakapuntos sa US Open. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.