Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso umangat sa world No. 6

0 52

Naabot ni 2020+1 Tokyo Olympian Yuka Saso ang career best placing na No. 6 sa latest women’s world ranking samantalang hindi natinag ang Top Five patungo sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg – $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa The Oregon Golf Club sa West Lin, Oregon sa parating na September 16-19.

May kuyom na 5.64 average points at 203.20 total pts. sa 36 event ang 20-year-old, 5-foot-5 sophomore Fil-Japanese pro na suportado ng ICTSI sa pagsampa ng tatlong baitang. Mula siya sa pangsiyam pagka joint 39th place finish sa AIG Women’s Open sa Scotland nitong Aug. 19-22.

Nilampasan ng San Ildefonso, Bulacan-born shotmaker sina Kim Hyo Joo ng South Korea, Daniella Kang ng Estados Unidos at Canadian Brooke Henderson sa paglapit sa pangarap na mag-world No. 1 sa hinaharap.

Kapit-tuko sa 1-2-3-4-5 sina American Nelly Korda at Koreans Jin Young Ko, Inbee Park at Kim Sei Young Kim at Kiwi Lydia Ko.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.