Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso, US Open inulan

0 165

Naantala ang kokoronahang reyna ng 75th US Women’s Open Golf Championship nitong Linggo kahit pinalugitan na ng isa’t kalahating oras ang pagsisimula ng final round dahil sa serye ng pagbuhos ng ulan sa Cypress Creek at Jackrabbit courses ng Champions Golf Club sa Houston, Texas.

Ayon sa mga agronomist ng United States Golf Association (USGA), umabot ng 78 pulgada ang tubig sa golf courses sa 24 na oras na buhos ng ulan na lalo pang nagpaputik sa lugar, na unang naranasan na rin ng mga kalahok sa third round noong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa 54-hole total 217 at one-over tapos ng limang butas sa last round, kabilang sa walo si Yuka Saso sa walong magkakabuhol sa 32nd spot. 1-2-3 pa rin sinasecond-third round leader Hinako Shibuno ng Japan (-3 209), opening day leader American Amy Olson (-3 2010), at Ji Yeong2 Kim ng South Korea at Moriya Jutanugarn ng Thailand (-1 212).

Nakatakdang ituloy Lunes ng alas-8:00 nang umaga (alas-7:00 nang gabi, Manila time) ang finale ng torneo na ikatlong ulit pa lang sa kasaysayan na naurong sa araw ng Lunes, at unang senaryo na ginanap ito ng Disyembre mula sa Hunyo dahil sa Covid-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.