Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saso uuwi muna, magdiriwang

0 100

Uuwi na muna sa sinilangang San Ildefonso, Bulacan ang bagong koronang reyna ng ¥80M 34th NEC Karuisawa 72 Golf Tournament 2020 sa Karuizawa 72 Golf North Course sa Kitasaku-gun, Nagano, Japan nitong Agosto 14-16 na si Yuka Saso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkamit ng top prize ¥14.4M (P6.5M) sa murang karera at dagdag sa quintuple-tie fifth spot na may ¥8,640,000 (P4M) paycheck sa 9th Earth Mondahmin Cup 2020 sa Camellia Hills Country Club sa Sodegaura City, Chiba nitong Hunyo 25-28 ang panalo ni Saso.

Inihayag kamakalawa ng 19 na taon na dalaga na kumita rin ng P500,000 sa pagsalo sa 25th place sa ISPS Handa Women’s Australian Open nitong Pebrero, na ang pag-uwi sa ‘Pinas ay pagpapahinga muna at pagdiriwang niya sa kanyang tagumpay kasama ang pamilya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.